Tatlong makakaliwang miyembro ng gabinete, makikipag-usap kay Pangulong Duterte hinggil sa peace talks

2017-02-16 18:56:17

 

MAGPUPULONG sina Pangulong Duterte at mga makakaliwang miyembro ng gabinete sa darating na Lunes, ika-20 ng Pebrero upang pag-usapan ang naudlot na peace talks.


Ayon kay National Anti-Poverty Commission Secretary Liza Maza na makakasama niya sina Social Welfare and Development Secretary Judy Taguiwalo at Agrarian Reform Secretary Rafael Mariano.


Sa isang briefing sa Malacanang, nakatakda sanang magbigay ng update si Presidential Peace Adviser Jesus Dureza hinggil sa pinakahuling pagpupulong sa Roma, Italya subalit hindi na sila nakadalo sa dami ng mga pag-uusapan.


Sinabi ni Secretary Maza na itinakda ni Pangulong Duterte ang kanilang pulong sa Lunes.  Dadalo rin sa pulong sina Secretary Dureza at Labor Secretary Silvestre Bello na siyang government chief negotiator.


Umaasa pa rin si Bb. Maza na maipagpapatuloy pa ang peace talks sapagkat sa susunod na pulong ay paksa na ang Comprehensive Agreement on Social and Economic Reforms.


Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino