Kumpanyang Filipino, magtatatag ng mga sangay sa Tsina at Indonesia, Thailand at Vietnam

2017-02-16 18:57:57

 

SISIMULAN sa madaling panahon ni Carlos Hinolan, pangulo at chief executive officer ng AudioWAV Media, Inc. ang pagtatatag ng mga sangay sa sampung lungsod ng Tsina at maging sa Indonesia, Thailand at Vietnam.


Sa isang press briefing, sinabi ni G. Hinolan na ang Audio WAV ay isang technology company na may mga punong tanggapan sa Pilipinas, na magiging agresibo ang kanilang expansion upang makarating sa pandaigdigang pamilihan.  Isang “multi-sensory branding,” nakapasok na sa Singapore at United States of America ang kumpanya.


Magmumula ang kapital sa Asia sa initial public offering sa darating na Marso at inaasahang makalilikom ng P 2.6 bilyon.  Sa initial listing, mag-aalok ang WAV ng 900 milyong common shares na mula sa P1.77 hanggang P 2.96 sa bawat share.


Sinabi rin ni G. Hinolan na ang pagpapalawak sa Asia ay magsisimula sa unang bahagi ng taong 2017 sa Tsina at Indonesia samantalang isusunod ang Thailand at Vietnam sa buwan ng Hulyo hanggang Disyembre.


Pinili nila ang Tsina at Indonesia sapagkat sa dalawang bansa pa lamang ay mayroon nang 1.5 bilyong consumer at libu-libong potential business partners.


Noon pang 2011, inilunsad na ng WAV ang unang centrally controlled in-store radio player sa Singapore.  Ang unang gumamit ng kanilang produkto ay ang Manhattan Fish Market, isang restaurant chain na nag-aalok ng pagkaing Americano na mayroong 67 mga sangay sa Asia at Middle East.



Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino