Senador de Lima, nararapat lamang humarap sa usapin

2017-02-17 19:02:04

 

NANAWAGAN si Pangulong Rodrigo Duterte kay Senador de Lima  na harapin ang lahat ng sumbong laban sa kanya.


Ito ang sinabi ni G. Duterte sa mga tagapagbalita sa Davao City.  Naniniwala ang pangulo na sapat ang mga ebidensya laban sa mambabatas na dating Secretary of Justice at Chairperson ng Commission on Human Rights.


Isa sa pinakamaingay na kritiko ni Pangulong Duterte si Senador de Lima sa kampanya laban sa iullegal drugs.


Ayon sa mga tagausig, nagpikitmata si de Lima sa mga sindikato ng droga sa Muntinlupa kapalit ng salaping ginamit sa kampanya sa pagkasenador.  Itinanggi ni De Lima ang mga akusasyon.  Handa umano siyang maging kauna-unahang political prisoner sa ilalim ni G. Duterte.

 

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino