Walk for Life, idaraos bukas

2017-02-17 19:04:47

 

UMAASA ang mga nasa likod ng “Walk for Life” project na maraming lalahok sa pagtitipon mula ika-apat at kalahati ng umaga sa Luneta bukas.  Pinangunahan ng Sangguniang Layko ng Pilipinas ang pagkilos upang iparating sa kina-uukulan ang kasagraduhan ng buhay.


Kabilang sa mga isyu na dala ng “Walk for Life” ay ang pagkontra sa panukalang pagbabalik ng parusang kamatayan na pinagtatalunan sa Kongreso, pagtuligsa sa abortion at pagkondena sa mga extrajudicial killing na sumidhi mula ng manungkulan si Pangulong Rodrigo Duterte sa Malacanang.


Suportado ng mga obispo at pari ang pagtitipon.  Maglalabas ng kanyang mensahe si Arsobispo Socrates Villegas, pangulo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines sa pagtitipong inaasahang dadaluhan ng libu-libong mamamayan mula sa Metro Manila at mga kalapit-lalawigan.


Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino