Small and Medium enterprises, makikinabang sa bagong programa

2017-02-17 19:07:41

 

MAGKAKATOTOO ang layunin ng Bank of China na pinamagatang “Bridge between China and Philippine Trade and Investment” sa pagsusulong ng small and medium enterprises sa dalawang bansa.  Magtutulungan ang Bank of China at Department of Trade and Industry, Philippine Chamber of Commerce and Industry at International Chamber of Commerce, Philippines.


Haharap ang mga kinatawan ng mga ahensyang ito sa press conference hinggil sa matchmaking service upang magkaroon ng koneksyon ang mga kumpanyang Filipino sa mga small and medium enterprises sa China at matulungang makapasok sa pandaigdigang value chain.


Nakatakdang magsalita sina G. Deng Jun, country head ng Bank of China,Bank of China General Manager ng SME Services Department Wang Jian, PCCI President George Barcelon, ICCP President Francis Chua at kinatawan ng Department of Trade and Industry.


Magaganap ito sa Miyerkoles, ika 22 ng Pebrero sa New World Hotel, Makati.


Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino