Pulis, umaming sangkot sa pagpatay sa kanyang dalawang kapatid

2017-02-20 18:42:09

INAMIN ni Senior Police Officer 3 Arthur Lascanas, na isang kasapi at nagtatag ng Davao Death Squad na si Pangulong Rodrigo Duterte ang gumastos at nag-utos sa operasyon ng “death squad” sa Davao City.  Responsable umano siya sa pagkakapatay ng kanyang dalawang kapatid na sina Cecilio at Fernando sa pagkakasangkot sa illegal drugs.

Nagawa umano niya ang kanyang papel dahilan sa kanyang katapatan at pagsunod sa mga utos ni dating Mayor Duterte.

Sa kanyang pagharap sa mga taga-pagbalita, sinabi ni Lascanas na isa siyang instrumento sa pagkamatay ng dalawa niyang kapatid.  Tanggap din niya kung ano ang mangyayari sa kanya dahil sa sobrang katapatan sa kampanya ni Mayor Duterte.

Patuloy nang tumanggi si Duterte sa pagpapanatili at pagkakaroon ng death squad sa Davao na pinaglingkuran ni Mayor Duterte ng dalawampung taon bago nahalal na pangulo noong nakalipas na taon.

Nanawagan si Lascanas sa kanyang mga kapwa pulis na hindi solusyon ang pagpatay.  Mananagot sila sa batas ng tao at maging sa batas ng Diyos.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino