Labingtatlo nasawi sa sakuna sa Tanay, Rizal

2017-02-20 18:45:02

Labingtatlo katao ang nasawi sa isang sakunang kinasangkutan ng isang tourist bus sa Tanay, Rizal.  Ang mga pasahero ng bus ay nasawi matapos mawalan ng kontrol ang sasakyan at bumangga sa isang poste ng kuryente sa Magnetic Hill, Peligrino Farm sa Sitio Bayukan, Barangay Sampaloc, Tanay, Rizal.

Ayon kay Engr. Carlos Inofre, pinuno ng Tanay Disaster Risk rEduction and Management, ang mga pasahero ay mga mag-aaral ng Bestlink College Novaliches at patungo sa isang camping activity sa isang resort sa Tanay.

Ang bus na may plate number TXS 325 ay arkilado mula sa Harana Tours at mayroong 50 pasahero.  Wala pang ibang detalyes na nababatid mula sa pook ng sakuna.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino