Dudulog sa Korte Suprema kung kakailanganin

2017-02-20 18:47:24

DUDULOG naman sina Bro. Rodolfo Diamante sa Korte Suprema sa oras na makalusot ang panukalang batas at maging isang bahagi ng mahahalagang batas ang tungkol sa death penalty.

Si G. Diamante na executive secretary ng Episcopal Commission on Prison Pastoral Care na maghahanap sila ng mga makakasama sa pagpepetisyon sa oras na makapasa ang panukalang batas.

Ipagtatanong nila ang legalidad ng batas sapagkat lumagda na ang Pilipinas sa international conventions na nagsasabing wala nang puwang sa bansa ang parusang kamatayan.

Hindi umano madaling maglabas-masok sa sa mga international treaty kaya't mangangailangan ng ibayong pag-aaral sa larangan ng ehekutibo at lehislatura.  Masisira ang imahen ng bansa kung pabago-bago ang paninindigan ng Pilipinas. 

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino