Walang dapat ipag-alala si Senador de Lima sa kanyang seguridad

2017-02-24 20:16:44

WALANG nararapat ikabahala si Senador Leila de Lima sa kanyang seguridad sa loob ng PNP Custodial Center tulad nina Senador Revilla at Estrada. Ito ang sinabi ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella sa isang panayam sa telebisyon.

Kahit si PNP Director General Ronald dela Rosa ay nagbigay ng kanyang katiyakang ligtas ang mambabatas sa loob ng Campo Crame sa likod ng mga pangamba ni Senador de Lima sa kanyang kaligtasan.

Makakapagpahinga ang mga tagasunod ni Senador de Lima na ligtas ang kanilang idolo sa liib ng piitan. Bagaman, ang custodial center ng PNP ay maaaring pansamantalang kalalagyan ni Senador de Lima sapagkat may mga panawagang huwag siyang bigyan ng special treatment.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino