Panunuhol ni dating Senador Jamby Magdrigal, mariing itinanggi

2017-02-24 20:18:28

WALANG katuturan ang mga lumabas na balitang nagtangkang manuhol ang dating Senador Jamby Madrigal sa mga bilanggong bumaliktad sa kanilang mga sinumpaang salaysay upang maibsan ang reklamo laban kay Senador Leila de Lima.

Bagama't nasa ibang bansa ang dating mambabatas, sinabi niyang hindi niya nakaharap at hindi niya kamag-anak ang isang Lalaine Madrigal Martinez, maybahay ni Noel Martinez, isa sa mga bilanggong nagdawit sa mambabatas sa illegal drug trade sa New Bilibid Prison.

Sinabi ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II na si Lalaine Madrigal Martinez ang nagsumbong sa kanyang nag-alok ng salapi ang dating senador sa mga bilanggong na sa loob ng Campo Aguinaldo.

Kuryente umano ang kwento ni Secretary Aguirre, dagdag pa ni Senador Madrigal, dagdag naman ni Senador de Lima.

Sa isang pahayag, sinabi ni Senador Madrigal na sana ay hindi nasisiraan ng bait si G. Aguirre kasabay ng panawagan kay G. Aguirre na huwag magkalat ng kung anu-anong conspiracy theories.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino