Solicitor General Calida, naghahanda ng usapin laban kay Senador Trillanes

2017-02-28 13:20:02

MAY pananagutan si Senador Antonio Trillanes IV sa kanyang pagkukubli ng mga sinasabing kasapi ng Davao Death Squad. Sa isang press conference kanina, sinabi ni Solicitor General Jose Calida na may pananagutang legal ang senador sa pagbibigay ng proteksyon sa mga kontrobersyal na taong sina Arturo Lascanas at Edgar Matobato.

Ipinatatanong ng magaling na abogadong si Calida kung bakit ipinagkakanlong si Senador Trillanes ang self-confessed criminals. Trabaho raw ba ng senador na magkubli ng mga pinaghahanap ng batas? Hindi pa naman umano siya nangangating magkaso laban sa senador subalit humingi ng panahong makapaghanda ng magandang usaping ipararating sa kinauukulan.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino