Militar, naglunsad ng pambobomba at panganganyon sa pinagkukutaan ng Abu Sayyaf

2017-02-28 13:21:53

NAGLUNSAD ang militar ng pambobomba at panganganyon sa mga pook na pinagkukutaan ng mga Abu Sayyaf sa Basilan. Ayon kay Major Richard Enciso, public affairs officer ng Tabak Division, ang 104th Brigade ay naglunsad ng air strike bago sumikat ang araw kanina sa Barangay Macalang sa Al Barka.

Sinabi ni Enciso na nasa pook sina Furuji Indama at Nurhasan Jamiri. Nakita na umano ang dating pinagkutaan ng mga Abu Sayyaf kaya nagkaroon ng air strike at panganganyon.

Gumamit umano ng 105 mm artillery cannons at FA-50 fighter jets laban sa mga Abu Sayyaf. Walang natagpuang mga nasawi o nasugatan sa pook kaya't naglunsad ng malawakang operasyon ang militar laban sa mga armado.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino