Pagmimina, nagdudulot ng kabuhayan

2017-02-28 13:23:46

MALAKI ang magagawa ng pagmimina sa kabuhayan ng bansa. Ito ay kung mabibigyan ng magandang pagkakataon ang mga nasa pamahalaan at mga nasa industriya na matupad ang itinatadhana ng batas. Ito ang pahayag ng iba't ibang stakeholders sa idinaos na “Tapatan sa Aristocrat” kaninang umaga.

Ayon kay Congressman Allen Jesse Mangaoang, kinatawan ng Kalinga, malaki ang potensyal ng bansa mula sa mga likas na yaman ng Pilipinas. Hindi birong magkaroon ng mga processing plant sa Pilipinas sapagkat malaking halaga ang kailangan.

Ikinalungkot ng mambabatas ang ginawa ni Environment and Natural Resources Secretary Regina Paz Lopez na pagpapasara ng mga minahan na kinabibilangan ng mga kumpanyang katatanggap pa lamang ng MPSA o Mineral Production Sharing Agreement sapagkat wala pa namang operasyong nagaganap ay ipinasara na kaagad.

Para kay Orlan Mayor ng Sta. Cruz, Zambales, dalawang taon nang suspendido ang minahan sa kanyang lalawigan at may 4,000 na ang walang hanapbuhay. Ang masaklap pa ay kanselado na ang permiso ng kanilang minahang kanilang pinaglilingkuran kaya't higit na magugutom ang kanilang mga pamilya.

Hindi kumbinsido si G. Mayor sa pangako ni Secretary Lopez na mabubuhay ang mga mamamayan sa pamamagitan ng pagtatanim ng kahoy sa mga dating minahan sapagkat hindi sustainable ang ganitong proyekto. Sa mga minahan, kumikita ang mga taong walang pinag-aralan ng halos kasinglaki ng mga guro sa paaralang pangpubliko.

Sinabi ni G. Virgilio Tanguige, pangulo ng Alyansa Tuloy Mina-Mindanao, na hirap na ang mga walang hanapbuhay sa kanilang tribo. Madali umanong magdesisyon ang pamahalaan kung walang konsultasyon sa mga mamamayan. Ang mga katutubo ay sumusunod sa alituntunin ng Mining Act of 1995, dagdag pa ni G. Tanguige.

Ipinaliwanag naman ni G. Sesinando Aguirre na ang mga nagtatrabaho sa mga minahan ay walang ibang matutunguhan upang maghanapbuhay sapagkat ito na ang kinagisnang trabaho.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino