Mga Senador, humiling ng imbestigasyon sa pagpatay sa isang manggagamot sa barrio

2017-03-04 18:08:43

 

HINILING nina Senador Richard Gordon at Risa Hontiveros na magsiyasat ang mga autoridad sa pagbaril at pagpatay sa isang manggagamot na naglilingkod sa mahirap na pook ng Lanao del Norte noong Miyerkoles ng gabi.


Sa isang pahayag, sinabi ni Senador Gordon na hinihiling siya sa mga autoridad na dakpin, kasuhan at parusahan ang may kagagawan sa pagpaslang kay Dr. Dreyfuss Perlas.  Si Senador Gordon ang chairman ng Philippine Red Cross.


Nanawagan naman si Senador Hontiveros na gawin ng kinauukulan ang magagawa upang malutas ang krimen.


Sakay ng motorsiklo si Dr. Perlas pauwi sa kanyang tahanan ng barilin ng 'di kilalang salarin sa Kapatagan (Lanao del Norte) noong Miyerkoles ng gabi.


Inaalam ng mga pulis ang posibleng motibo tulad ng pagtatangkang pangloloob o personal na galit.


Nakilala umano ni Senador Hontiveros si Dr. Perlas at isang propesyunal na nagnanais na magkaroon ng maayos at tunay na pagbabago.  Katatapos pa lamang ni Dr. Perlas sa isang medical mission sa bayan ng Sapad ng barilin.


Isa umanong volunteer doctor si Dr. Perlas para sa Philippine Red Cross nang sumalakay ang mga kasama ni Nur Misuari sa Zamboanga City noong ika-siyam ng Setyembre 2013.


Bahagi si Dr. Perlas ng “Doctors to the Barrios Batch 30” ng Department of Health na naglilingkod sa mga mahihirap na barangay.

 

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino