Ambassador Chito Sta. Romana, nagtungo na sa Beijing

2017-03-04 18:10:06

 

NAKIPAGKITA na si Philippine Ambassador to China Jose Santiago “Chito” Sta. Romana kay Deputy Director General Zhang Yiming ng Protocol Department ng Ministry of Foreign Affairs ng Tsina. 


Ito ang unang hakbang sa kanyang napipintong pagbibigay ng mahahalagang papeles kay Pangulong Xi Jinping sa mga susunod na araw.


Wala pang itinakdang petsa ang Ministry of Foreign Affairs subalit inaasahan na ito sa mga susunod na linggo.


Bago nahirang na Philippine Ambassador sa Tsina, naglingkod si G. Sta. Romana sa ABC News bilang Bureau Chief sa Beijing mula noong 1989 hanggang sa kanyang pagreretiro mga ilang taon na ang nakalilipas.


Isang bantog na lecturer sa Asian Center ng University of the Philippines sa Diliman, nagawaran siya ng Emmy Award sa news at documentary category noong 2000.  Samantala, noong 2008, pinarangalan din siya ng Overseas Press Club of America sa kanyang coverage sa lindol na yumanig sa Tsina.


Naglingkod din siya bilang pangulo ng Philippine Association of Chinese Studies.  Nagtapos siya ng Economics sa University of the Philippines.


Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino