Impeachment complaint inihain laban kay Pangulong Duterte

2017-03-18 18:11:24

 

DINALA ni Magdalo Party List Congressman Gary Alejano ang kanyang impeachment complaint laban kay Pangulong Rodrigo Duterte sa tanggapan ng Secretary General ng House of Representatives kaninang umaga.


Sinabi ni Congressman Alejano na may sandigan ang kanyang reklamo sapagkat lumabag si Pangulong Duterte sa Saligang Batas, sa panunuhol, pagtataksil sa pagtitiwala ng sambayanan, katiwalian at iba pang mga krimen.


Idinagdag ng mambabatas na ang mga paglabag na ito ay sapat na upang mapatalsik mula sa kanyang puesto si Pangulong Duterte. 


Nakagawa umano si Pangulong Duterte na bribery, multiple murder, crimes against humanity ng kanyang ipatupad ang pamamalakad sa pamamagitan ng pagkumbinse ng mga pulis at iba pang alagad ng batas at vigilante groups na makilahok sa extra-judicial killings ng higit sa 8,000 katao na pinagdududahan lamang na lumalabag sa batas hinggil sa droga.


Sangkot din umano si Pangulong Duterte sa mga pagpatay ng Davao Death Squad at pagkakaroon ng may 11,000 ghost employees noong siya pa ang punong-lungsod ng
Davao. 


Mayroon din umanong 'di maipaliwanag na yaman si G. Duterte na nagkakahalaga ng P 2 bilyon at panahon na upang mapanagot ang pangulo sa kanyang mga kasalanan.



Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino