Acting Foreign Secretary Manalo, maraming nararapat gawin sa kanyang tanggapan

2017-03-18 18:12:34

 

SINABI ni Acting Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo na maraming nakatakdang gawin sa kanyang tanggapan lalo pa't maraming prayoridad si Pangulong Rodrigo Duterte. 


Sa kanyang kauna-unahang pagharap sa mga mamamahayag, sinabi ni G. Manalo na isang career diplomat, na kabilang sa mga prayoridad ang pangangalaga sa may 100 mga Filipino sa loob ng bansa at mga kababayang nakakakalat sa iba't ibang bahagi ng daigdig.


Ipinaliwanag niyang inutusan siya ni Pangulong Rodrigo Duterte na tiyaking ligtas ang nasasakop na karagatan ng bansa.  Sa lumabas na balitang mayroong mga banyagang barko sa Benham Rise, sinabi ni G. Manalo na nagpadala sila ng note verbal sa Beijing upang humingi pa ng dagdag na impormasyon at mabatid ang katotohanan sa insidente.


Magugunitang binanggit ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang pagkakaroon ng barkong Tsino sa Benham Rise.  Lumabas din ang balitang pinayagan ni Pangulong Duterte ang paglalakbay ng barkong Tsino sa bahaging ito ng sasasakupan ng Pilipinas.



Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino