Isyu ng Benham Rise, niliwanag ng isang propesor

2017-03-18 18:15:39

 

KAILANGANG magkaroon ng ibayong pagkilos ang pamahalaan upang mangyari at magkatotoo ang transparency at mapaganda ang pagpapalitan ng impormasyon ng pamahalaan at mamamayan.


Sa kanyang pahayag, sinabi ni Prof. Jay Batongbacal ng UP Institute of Maritime Affairs, kahapon pa ay dinagsa na siya ng mga tanong hinggil sa pahayag ni Pangulong Duterte sa Benham Rise ay maituturing na paglabag sa Saligang Batas at naglabas ng kani-kanilang opinsyon at mga dokumento ang iba't ibang tao mula sa lipunang Filipino.


Niliwanag ni Prof. Batongbacal na walang kasunduang nalagdaan si Pangulong Duterte sa Tsina sa pagpapatupad ng exploration sa nasasakupang karagatan ng Pilipinas.  Ang pinakahuhulugan ni Pangulong Duterte ay ang kasunduan na pumapayag sa paglalakbay sa mga karagatan ng bansa ng mga barkong Tsino patungo sa Pacific Ocean.  Ito ang pahintulot na hiningi ng Tsina sa pagsasagawa ng mga nakalipas na exploratory missions.  Nagkaroon ng mga palitan ng mga pahayag sa isyung ito.


Ang nabalitang pagkilos ng Chinese survey ship ay hindi naganap sa Benham Rise kungdi sa kapaligiran nito at nasa labas ng Exclusive Economic Zone at continental shelf.  Dumaan lamang ang sasakyang dagat sa Benham Rise sa paglalakbay sa Pacific Ocean.  Ang kaisa-isang pagkakataong pumasok ang barko sa nasasakupan ng Pilipinas ay ng dumaong sa Surigao upang ibaba ang isang tripulante.  Nagkaroon din ng sakuna noon kaya't 'di na umandar ang makina kaya't natangay na lamang ng alon sa karagatan.


Kailangan lamang na bigyang pansin ang nagaganap sa karagatan at sa mga problemang kinakaharap nito.  Kailangang mapaunlad ang komunikasyon sa mga ahensya ng pamahalaan at ng mga mamamayan.  Higit na mahalagang pag-usapan ang mga isyung may kinalaman sa karagatan sa nasasakop ng bansa at sa lawak ng pag-aari ng Pilipinas.  Sa ganitong paraan, maiiwasan ang kaguluhan at mga agam-agam, dagdag pa ni Prof. Batongbacal ng UP Maritime Studies.


Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino