Pangalawang Pangulong Robredo, 'di dapat paniwalaan

2017-03-22 16:09:38

 

SINABI ni dating Immigration Commissioner at ngayo'y chairperson ng PAGCOR Andrea Domingo na 'di nararapat paniwalaan ang mga sinasabi ni Vice President Leni Robredo sapagkat gagawing lahat ng pangalawang pangulo upang maluklok na presidente ng bansa.


Ito ang buod ng kanyang talumpati sa harap ng mga banyagang dumadalo sa ASEAN Gaming Summit sa Conrad Hotel, Pasay City.


Nangangati na umano si Gng. Robredo na maluklok sa panguluhan.  Ito rin ang kanyang sinabi sa idinaos na press conference sa Conrad Hotel.  Naniniwala umano siya na interesado ang pangalawang pangulong maluklok sa Malacanang.


Binanggit din ni Chairperson Domingo na umaasa siyang makararating ang inaasahang isang milyong Tsino sa bansa sapagkat handa naman ang Pilipinas na gawing kaaya-aya ang kanilang pagdalaw sa bansa.


Samantala, sinabi rin ni Pagcor Chair Domingo na may isang kumpanyang Filipino na magtatayo ng isang US$ 500 milyong integrated resort sa Lapu-Lapu City.  Inaasahang makatatawag pansin ito ng mga turista na hindi lamang casino ang dadalawin.


Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino