Paglalakbay ng hukom patungong Indonesia, pinigil ng Court of Appeals

2017-03-27 18:39:55

PINAGBIGYAN ng Eleventh Division ng Court of Appeals ang petisyon nina Maria Cristina Sergio at Julius Lacanilao na huwag pahintulutang maglakbay patungong Yogyakarta, Indonesia sina Judge Anarica J. Castillo-Reyes bilang presiding judge ng Regional Trial Court Branch 88 sa Baloc, Sto. Domingo, Nueva Ecija.

Magugunitang humiling ng pahintulot si Judge Castillo-Reyes na maglakbay mula ika-26 hanggang ika-28 ng Abril 2017 upang magmasid sa deposition proceedings  na gagawin ng Philippine Consular Official mula kay Mary Jane Veloso sa Indonesia.  Nagparating ng kanilang kahilingan sina Bb. Sergio at G. Lacanilao na huwag pahintulutan ang paglalakbay sapagkat nagkaroon ng pag-abuso ang hukom sa kakulangan ng hurisdiksyon.

Naglabas ang Court of Appeals ng Temporary Restraining Order na magkakabisa ng 60 araw.  Nangangahulugan itong walang anumang paglalakbay ang hukom at mga kasama upang magmasid sa magiging pahayag ng nahatulan ng parusang kamatayan ng hukuman sa Indonesia na si Mary Jane Veloso.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino