Pagkatao ng pinaniniwalaang lider ng Abu Sayyaf, tinitiyak pa

2017-04-12 18:06:24

 

MAY gagawin pang mga pagsisiyasat ang pulisya sa Central Visayas upang mabatid ang tunay na pagkatao ng isa sa anim na pinaghihinalaang kasapi ng Abu Sayyaf na napaslang sa sagupaan kahapon.


Sinabi ni Chief Supt. Noli Talino na kamukha ni Maumar Askali na kilala sa pangalang Abu Rami, ang isa sa napaslang.


Si Rami ang sinasabing pinuno ng koponang pumasok sa isang malayong barangay sa Bohol.  Niliwanag ni Ginoong Taliño na nais lamang nilang matiyak ang tunay na pagkatao ng isa sa napaslang.


Napaslang sa panig ng pamahalaan sina 2Lt. Estelito Saldua, Jr. Corporal Meljum Cajaban, Sgt. John Dexter Duero at SPO2 Rey Anthony Nazareno, mula sa Special Weapons and Tactics Group ng Calape, Bohol.


Inaalam pa rin ng Philippine Coast Guard ang balitang mayroong kaduda-dudang mga sasakyang-dagat sa Carcar City may 42 kilometro sa timog ng Cebu City.


Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino