ASEAN event sa Bohol, tuloy pa rin

2017-04-12 18:07:49

 

TULOY ang pagpupulong ng ASEAN at Hong Kong sa larangan ng free trade agreements na nakatakdang gawin sa Tagbilaran, Bohol mula sa Martes, ika-18 hanggang Sabado, ika-22 ng Abril kahit pa nagkaroon ng madugong sagupaan ang mga kawal ng pamahalaan at mga Abu Sayyaf kahapon.


Ayon kay Acting Foreign Affairs Spokesman Robespierre Bolivar, binanggit na ni dating Ambassador Marciano Paynor na tuloy ang paghahanda ng ASEAN Chairmanship National Organizing Council sa pamamagitan ng Security Committee upang matiyak ang kaligtasan at seguridad sa pook.


Hanggang walang natatanggap na karagdagang payo mula sa nakatataaas, tuloy ang pulong segun sa takdang petsa.

 

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino