Pangulong Duterte, nakaharap na ang hari ng Saudi Arabia

2017-04-12 18:09:13

 

NAGANAP kahapon ang pag-uusap nina Pangulong Rodrigo Duterte at Haring Salman bin Abdulaziz Al Saud sa kanyang dalawang araw na pagdalaw sa Saudi Arabia.


Naglabas ng mga lawaran ng Presidential Communications Office hinggil sa bilateral meeting sa pribadong tahanan ng hari sa Rawdhat Khuraim.  Sumaksi ang dalawang pinuno ng bansa sa paglagda sa mga kasunduan sa pagkakaroon ng political consultations sa pagitan ng kaharian sa pamamagitan ng kanilang Miistry of Foreign Affairs at Department of Foreign Affairs ng Pilipinas.  Nagkasundo rin ang magkabilang panig sa larangan ng paggawa sa pamamagitan ng General Workers Recruitment and Employment at ang pagtutulungan ng Philippine Foreign Service Institute at ng Prince Saud Al-Faisal Institute of Diplomatic Studies.


Isang tanghalian sa karangalan ni Pangulong Duterte ang ginawa at dinaluhan ng mga prinsipe, mga ministro at senior officials.


Dumalaw din si Pangulong Duterte kay Deputy Crown Prince Mohammed bin Salman bin Abdulaziz.


Magtutungo na siya sa Manama, Bahrain at Qatar.


Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino