Pamumugot sa isang mangingisda, kinondena ng Malacanang

2017-04-17 18:47:59

KINONDENA ng Malacanang ang pamumugot na ginawa ng Abu Sayyaf sa isang mangingsida sa Patikul, Sulu. Ibinalita ng Armed Forces of the Philippines ang pamumugot kahapon, Pasko ng Pagkabuhay.

Sa isang pahayag, sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na nakikiramay ang pamahalaan sa pamilya ng kapitan ng bangkang pangisdang Ramon 2 na si Noel Besconde na nasawi sa kamay ng mga kasapi ng Abu Sayyaf.

Idinagdag pa ni G. Abella na kinokondena nila ang pamumugot na ito. Inaalam pa ng pamahalaan ang kinalalagyan ng labi ng biktima sa pamamagitan ng walang-humpay na operasyon ng mga kawal.

Nanawagan din si G. Abella sa mga mamamayan na maging mapagbantay at makiisa sa mga kawal ng pamahalaan upang mapigil ang kriminalidad sa bansa. Nanawagan din siya sa mga mamamayan sa buong bansa na makiisa sa layunin ng pamahalaang gawing ligtas ang bansa para sa mga mamamayan nito. Dinukot si Besconde at ang tatlong mga tauhan sa Celebes Sea noong Disyembre ng nakalipas na taon.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino