Armed Forces of the Philippines, kinondena rin ang Abu Sayyaf

2017-04-17 18:49:48

LUBHANG ikinalungkot ng Armed Forces of the Philippines ang ginawang pamumugot kay Noel Besconde sa Barangay Tugas, Patikul, Sulu. Isa si G. Besconde sa apat na tauhan ng bangkang pangisdang Ramona na dinukot sa Celebes Sea noong Disyembre ng nakalipas na taon.

Ayon kay Brig. General Cirilito Sobejana, commander ng Joint Task Force Sulu, pinaniniwalaang pinatay si G. Besconde sapagkat maysakit na siya at nakasasagabal sa kanilang pagkilos sa pag-iwas sa mga tumutugis na kawal.

Sa panig ni AFP Chief of Staff General Eduardo Ano, bukod sa pagkondena, tuloy pa ang masigasig na operasyon laban sa mga terorista sa layuning mailigtas ang nalalabing mga biktima ng kidnapping.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino