Pagsusuri, kailangan ng mga mananampalataya

2017-04-17 18:51:26

NANAWAGAN si Lingayen-Dagupan Archbishop at pangulo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines Socrates B. Villegas na magnilay at alamin kung ano ang pagpapahalaga sa pananampalataya.

Magandang pagkakataong suriin kung mababaw na ang pananampalataya sapagkat nagpipikit-mata na lamang sa mga paglabag sa karapatang pangtao at nakikiisa sa mga programang magkakaroon ng kaukulang sukli.

Sa kanyang mensahe sa Pasko ng Pagkabuhay, sinabi ni Arsobispo Villegas na sa mga bansang Syria, Nigeria, Egipto, Lebanon at Myanmar, nagsasakripisyo ang mga mamamayan para sa kanilang pananampalataya. Dumadanak ang dugo at nabibilanggo hanggang sa mapaslang. May mga lipunang galit sa Diyos at nagdududa sa mga alagad ng simbahan.

Sa Pilipinas, nagsasabi ang mga taong Kristiyano. Mga Katoliko at nagpapakita ng mga sertipiko ng binyag sa kasalan. May mga piyesta at prusisyon. May mga paaralang Katoliko at naglalakbay pa tungo sa ibang bansa. May mga pari sa mga libing samantalang may mga nagtutungo sa pilgrim sites tulad ng Manaoag.

Sa Pilipinas, mga Katoliko ang karamihan. Bagama't hindi pumapatay ng mga Obispo agt pari, minumura naman sila. Pinapayagan ang mga idolo ng mga mamamayang murahin ang Santo Papa. May mga nagkukubli sa mga personal account sa Facebook at Twitter. May mga naghahanapbuhay bilang mga social media troll. Mas mabuti na raw ba ang hanapbuhay na ito sa pagtutulak ng droga o ng pagnanakaw?

Ang mga Obispo ay nagiging martir sa social media. Ilang libong ulit nang pinatay. Ang mga troll ay libu-libo. Sa oras na magsalita ang mga alagad ng Simbahan, ninanais ng ilang patahimikin sila.

Sinabi na ni Pope Benedict XVI na bahagi na ng buhay ng mga Obispo ang maghirap. Natural na lamang umano ang ganitong pangyayari. Maliwanag din ang sinabi ni propetang si Sirach na manindigan para sa matuwid kahit pa mangahulugan ito ng buhay sapagkat kasama moa ng Panginoon.

Sa pagkakataong ito, higit na mahalaga pa ang sandata kaysa buhay.

Hindi umano panghihinaan ng loo bang Simbahan, dagdag pa ni Arsobispo Villegas. Maninindigan pa rin at magkakaroon ng ibayong lakas ng loob. Handang mabilanggo sa ngalan ng Mabuting Balita. Handang mamatay sa ngalan ng pananampalataya. Hindi mamamatay ang simbahan kahit pa mapaslang ang mga mananampalataya, dagdag pa ng arsobispo.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino