Pagpupulong ng mga opisyal ng ASEAN, nagsimula na

2017-04-27 18:05:17

 

PINAMUNUAN ni Philippine Ambassador to ASEAN Elizabeth P. Buensuceso ang pulong ng Committee of Permanent Representatives to ASEAN (CPR) kanina na siyang magsisimula ng serye ng official meetings na matatapos sa 30th ASEAN Summit sa ika-29 ng Abril.


Pinag-usapan ng mga kinatawan ng ASEAN ang kanilang mga gagawin ngayon taon at nabahaginan ng mga ulat at rekomendasyon sa ASEAN Senior Officials at ASEAN Ministers, mga detalye ng pagdiriwang ng ika-50 anibersaryo ng ASEAN ngayong taon at ang relasyon ng grupo sa mga dialogue partner at ba pang mga grupo.  Pinag-usapan din ang paghahanda para sa 50th ASEAN Foreign Ministers' Meeting at related ministerial meetings sa Agosto sa Maynila.


Ang pulong ay dinaluhan ng mga tauhan ng ASEAN secretariat at pinamunuan ng Deputy Secretary-General for ASEAN Political Security Community at nagpalitan ng mga pananaw sa kalalabasan ng iba't ibang paksa sa 50th ASEAN Foreign Ministers Meeting at iba pang ministerial meetings kasama na ang ika-31 ASEAN Summit sa Nobyembre na gagawin din sa Pilipinas.


Ayon sa Department of Foreign Affairs, kasama sa pulong ang mga Ambassador sa ASEAN ng mga bansang Brunei Darussalam, Cambodia, Indonesia, Lao PDR, Malaysia, Myanmar, Pilipinas, Singapore, Thailand at Vietnam.  Sila rin ang bumubuo ng ASEAN Connectivity Coordinating Committee.  Kasama rin sila sa ASEAN Institute for Peace and Reconciliation governing council.


May tanggapan sa Jakarta, Indonesia, ang CPR ay tumutulong sa ginagawa ng ASEAN Community Councils at ASEAN Sectoral Ministerial Bodies at nakikipagtulungan sa ASEAN National Secretariats at iba pang ASEAN sectoral ministerial bodies at nakikipag-ugnayan sa Secretary-General ng ASEAN sa lahat ng mga paksa at nakikipagtulungan din sa iba pang external partner.


Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino