Pilipinas, 'di makikialam sa mga isyung bumabalot sa South China Sea

2017-04-27 18:06:37

 

KAHIT pa mayroong malaking papel ang Pilipinas sa mga isyung may kinalaman sa South China Sea, mananatiling walang pinapanigan ang bansa bilang chair ng Association of South East Asian Nations (ASEAN).


Sa isang panayam sa isang himpilan ng telebisyon, sinabi ni Ambassador Marciano Paynor, director-general for operations ng ASEAN 2017 National Organizing Council, na ang Pilipinas sa ilalim ni Pangulong Duterte ay hindi babanggit sa pagwawagi ng Pilipinas sa Permanent Court of Arbitration na nagpawalang-saysay sa mga naunang pahayag ng Tsina sa South China Sea.


Inaayos pa ang magiging pahayag at bilang chair, kailangang maging neutral ang paninindigan ng bansa.  Kahit pa chairman ang Pilipinas hindi mapupwersa ng Pilipinas ang agenda nito sa ibang mga kasaping bansa.


Ang magiging pahayag ng chairman ang final document na ilalabas ng host country sa ngalan ng iba pang mga pinuno ng ASEAN.  Sandigan ng ASEAN ang pagkakaisa o consensus at 'di tulad ng ibang bansa sa kanlurang bahagi ng daigdig, nasasabi ng kani-kanilang mga pinuno ang paninindigan.


Sa panig ni DFA Spokesman Robespierre Bolivar, maaaring magbago ang tono ng statement.  Ilalabas ito sa oras na maapos ang Summit.  Hindi masasabi ngayon kung ano ang magiging laman nito, dagdag pa ni G. Bolivar.



Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino