Pilipinas, malamang na maiwanan ng Cambodia at Vietnam

2017-04-27 21:06:18

 

NANGANGAMBA si Finance Secretary Carlos Dominguez III na maungusan ng Vietnam at Cambodia ang Pilipinas sa larangan ng turismo kung magiging mabagal ang pagpapatupad ng programa sa mga pagawaing-bayan.


Sa isang pahayag, sinabi ni Secretaryh Dominguez na ang programang magtayo ng mga pagawaing-bayan ay nakasalalay sa pangangailangan ng salaping mula sa comprehensive tax reform program. 


Seryoso ang mga kalapit bansa sa kanilang mga pagawaing-bayan dagdag pa ni G. Dominguez kaya't kailangang makasabay ang Pilipinas sa mga kalapit-bansa at mapunuan ang kakulangan.  Hindi magiging isang investment-driven economy ang Pilipinas kung kulang ang mga pagawaing-bayan.


Kung magkakatotoo ang investment-driven economy, magkakaroon ng mas maraming trabaho para sa mga kabataang Filipino na nakakasama sa labor force taun-taon. 


Ang kakulangan ng pagawaing-bayan ang dahilan kaya't naiwawanan ang Pilipinas ng mga bansang Malaysia, Thailand at Indonesia sa turismo.


Sa kasalukuyang gastos ng Vietnam at Cambodia sa mga pagawaing-bayan, mauungusan ang Pilipinas sa dami ng mga turistang dumadalaw sa dalawang bansa.




Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino