Mga isyung pang-rehiyon at daigdig, pinag-usapan

2017-04-28 19:19:38 CRI CRI

MGA FOREIGN MINISTER NG ASEAN, NAG-USAP NA. Nagkita-kita na ang mga foreign minister ng ASEAN kanina. Nag-usap na sila sa mga istung may kinalaman sa rehiyon at sa daigdig. Pinaghandaan din nila ang mga paksang pag-uusapan ng mga pangulo ng ASEAN member countries. (PCO Photo)

MAGKAKASAMANG nagpulong ang mga Kalihin ng Ugnayang Panglabas ng sampung bansang kabilang sa Association of South East Asian Nations at nagpalitan ng mga pananaw sa nagaganap sa rehiyon at sa daigdig.

Ito ang sinabi ni Acting Foreign Affairs Spokesman Robespierre Bolivar sa isang press briefing. Kabilang sa mga isyu ang tungkol sa Civil Service.

Pinagtuunan ng pansin ang mga paraan ng "community-building" at mga paksang mahahalaga para sa kanilang bansa at sa buong samahan. Kabilang sa paksang pinag-usapan ang South China Sea, transnational crimes, extremism at terorismo.

Binasa rin ni G. Bolivar ang pahayag ng mga kalihim hinggil sa nagaganap sa Korean Peninsula.

Magsisimula ang ASEAN Summit bukas ng ika-sampu at kalahati ng umaga sa Philippine International Convention Center sa Pasay City. Pag-uusapan ang mga paraan ng pagpapalakas ng ASEAN community ayon sa kanilang pananaw para sa taong 2025.

Pag-uusapan ng mga pinuno ng iba't ibang bansa ang mga paksang may kinalaman sa rehiyon at sa daigdig.

Haharap sa mga mamamahayag si Pangulong Rodrigo Duterte sa ganap na ika-pito ng gabi. Pagkatapos ng press conference, pamumunuan niya ang isang gala dinner sa Hotel Sofitel Manila sa tabi ng Philippine International Convention Center.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino