Talumpati nina Prime Minister Razak at Chan-o-cha, mahalaga

2017-04-28 19:26:51 CRI CRI

NANINIWALA Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar na bukas ang Pamahalaang Duterte sa mga mungkahi at pananaw kung paano mapag-iibayo ang pagpapaunlad sa bansa at mga mamamayan.

Ito ang kanyang pahayag sa mga pagbabahagi nina Prime Minister Razak ng Malaysia at Chan-o-cha ng Thailand sa idinadaos na Prosperity for All Summit sa Grand Ballroom ng City of Dreams. Magugunitang binuo ang pulong ng ASEAN Business Advisory Council na pinamumunuan ni Jose "Joey" Concepcion III.

Isang paraan ito upang makatugon ang bansa sa mga hamon ng panahon at pagkakataon lalo pa't pumangalawa ang Pilipinas sa Japan noong dekada sisenta. Kahit pa isinusulong ng pamahalaan ang deregulation, privatization at liberalization, binibigyang pagkakataon at halaga ang micro, small at medium enterprises, dagdag pa ni G. Andanar.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino