ASEAN foreign ministers, nababahala sa nagaganap sa Korean Peninsula

2017-04-28 19:27:30 CRI CRI

NAGPAHAYAG ng pagkabahala ang sampung foreign ministers ng Association of South East Asian Nations (ASEAN) sa umiinit na kalagayan sa Korean Peninsula na kinabibilangan ng dalawang nuclear tests noong 2016 at mga ballistic missile launches kamakailan.

Sa isang pahayag na inilabas ngayon, sinabi ng mga foreign minister na nababahala ang ASEAN na ang anumang kawalan ng katatagan sa Korean Peninsula ay mayroong epekto sa rehiyon at sa daigdig.

Nanawagan sila sa Democratic People's Republic of Korea na tumugon sa kanilang mga obligasyon mula sa lahat ng mga resolusyong mula sa United Nations Security Council at ang pandaigdigang mga batas sa ngalan ng pandaigdigang kapayapaan at seguridad.

Ayon sa ASEAN na itinatag may 50 taon na ang nakalilipas, nananawagan sila sa DPRK at sa lahat ng may interes sa mga nagaganap na magpigil upang mabawasan ang nananaig na tensyon upang huwag na ring lumala ang situasyon.

Suportado ng ASEAN ang pag-aalis ng mga sandatang nuclear sa Korean Peninsula kasabay ng panawagang pag-usapan ng mahinahon ang mga 'di pagkakaunawaan.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino