Kasunduang magpapalakas sa Serbisyo Sibil, nilagdaan ng ASEAN

2017-04-30 11:36:24 CRI CRI

PINAMUNUAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paglagda ng mga pinunong ASEAN sa kasunduang magpapalakas ng pagtutulungan sa mga bansang kasapi ng samahan bilang suporta sa "community-building efforts."

Nilagdaan nila ang ASEAN Leaders Declaration on the Role of the Civil Service as Catalyst for Achieving ASEAN Community Vision 2025. Kinikilala ng ASEAN ang kahalagahan ng civil service sa pagbibigay ng kaukulang serbisyo para sa mga mamamayan ng rehiyon upang sumigla ang mga bansa at lipunan sa rehiyon.

Sinabi ni Civil Service Commission Chair Alicia dela Rosa Bala na mahalaga ang kasunduan sapagkat prayoridad ng ASEAN ang pagkakaroon ng people-oriented, people-centered ASEAN sa ilalim ng pamumuno ng Pilipinas sa pangrehiyong samahan.

Samantala, sa idinaos na press briefing sa International Press Center, sinabi ni Chairperson Bala na matatapos na ang mga job order at permanent casual. Ipinaliwanag niyang unti-unti nang nabibigyan ng prayoridad ang kakayahan ng mga nagiging kawani at nakikilala na rin ang kanilang mga nagagawa sa pamamagitan ng pagsusuri sa kanilang mga nagagawa sa kanilang paglilingkod sa pamahalaan.

Maihahambing na rin ang sahod ng mga nasa pamahalaan sa tinatanggap ng mga kawani sa pribadong sektor, dagdag pa ni Chairperson Bala.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino