Pagpupulong ng mga pinuno ng ASEAN sa Maynila, matagumpay

2017-04-30 11:38:48 CRI CRI

SINABI ni Pangulong Rodrigo Duterte na matagumpay ang pulong na idinaos sa Philippine International Convention Center ngayong maghapon.

Sa kanyang pagharap sa mga mamamahayag, sinabi ni G. Duterte na marapat lamang pasalamantan ang mga nagtatag ng samahan may 50 taon na ang nakalilipas sapagkat payapa, matatag at maunlad ang mga bansang kabilang sa Association of South East Asian Nations.

Idinagdag niyang ilalabas ang Chairman's Statement bago matapos ang hapunan ng mga panauhin sa Sofitel Manila Hotel.

Naging matagumpay ang pakikipag-usap ng mga pinuno ng ASEAN sa mga mambabatas at maging mga kabataan. Ani G. Duterte, nagbubunga ang relasyon kung ang pagtutulungan ay nag-uugat sa paggalang sa isa't isa at kapaki-pakinabang sa lahat.

Sa kasunod na press conference, tiniyak ni Pangulong Duterte ang kanyang pagdalo sa "Belt and Road Forum" sa Beijing mula ika-14 hanggang ika-15 ng Mayo. Sa pulong na ito, dagdag ni G. Duterte, higit na mabibigyang halaga ang economic relations ng mga bansa sa ikalawa sa pinakamalaking ekonomiya sa daigdig.

Nangako rin ang Tsina na magtatayo ng dalawa o tatlong tulay sa Metro Manila.

Hinggil sa situwasyon sa Korean Peninsula, sinabi ni Pangulong Duterte na siya at ang mga kapwa pinuno ng ASEAN ay nababahala sa nagaganap doon. Nanawagan siya sa North Korea at sa Estados Unidos na maging mahinahon sapagkat kapwa sila mayroong sandatang nukleyar.

Ang anumang pagsabog na magaganap ay maaaring magsimula ng gulong hindi na mapipigil pa at mauuwi sa pagkapinsala ng Asia at ng ASEAN. Isang malawakang trahedya ang makakaharap ng mga mamamayan. Maghihirap ang mga tao at 'di mawari ang pinsala sa lipunan, kalikasan at buhay.

Mas responsableng bansa ang America kaya't mas makabubuting payuhan ni Pangulong Donald Trump ang kanyang mga kawal na magdahan-dahan lamang upang maiwasan ang malawakang digmaan.

Idinagdag pa ni Pangulong Duterte na umaasa siyang tatawagan ni Pangulong Donald Trump ngayong gabi.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino