Sahod, posibleng bumaba sa ASEAN integration

2017-04-30 11:40:38 CRI CRI

SAHOD BABABA. Malaki ang posibilidad na bumaba ang sahod sa ASEAN sa oras na magkaroon ng iisang economic community. Ito ang sinabi ni Prof. Ed Tadem ng University of the Philippines na kabilang sa ASEAN People's Civil Society Conference. Magpapababaan ng sahod ang mga bansang kanilang sa pangrehiyong samahan, dagdag pa ni Prof. Tadem. (Melo M. Acuna)

NANGANGAMBA si Prof. Eduardo Climaco Tadem na bababa ang sahod ng mga manggagawa sa pamamagitan ng pagkakaroon ng ASEAN Economic Community.

Sa isang press briefing, sinabi ni Prof. Tadem na ang ASEAN ay naniniwala sa pagkakaroon ng market-based economic development na ang layunin ay tumubo ang mga mangangalakal. Natatalikdan na ang mga manggagawa, dagdag pa ng propesor.

Sapagkat lalakas ang mga kalakal segun sa pamilihan, ang investor-friendly atmosphere ang magiging dahilan upang maging layunin nilang mabawi kaagad ang kanilang inilagak na salapi at magkamit ng tubo.

Ang bansang magbababa ng sahod ang siyang makikionabang mula sa free competition, market-based economy at liberalisasyon. Sa pagbaba ng sahod, tiyak na lalaki ang agwat ng mga manggagawang mula sa mga bansang kabilang sa ASEAN.

Samantala, higit na makikinabang ang mga malalaking bahay-kalakal tulad ng sa Pilipinas sa pagpasok ng micro-small-medium enterprises sapagkat aasa sila sa bibilhing mga paninda ng malalaking kumpanya.

Duda rin si Prof. Tadem na mabubuhay ang mga micro-small-medium enterprises sapagkat isinusulong ng mga bansa sa ASEAN ang deregulation, privatization at liberalization.

Noong nakalipas na Huwebes, sinabi ni G. Jose "Joey" Concepcion III na 99.6% ng mga bahay-kalakal sa Pilipinas ang maituturing na micro-small-medium enterprises at tanging .4% lamang ang malalaking kumpanya na tutulong sa mga maliliit na bahay kalakal kung paano magtagumpay sa kanilang negosyo.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino