Pangulong Duterte, bukas siya sa pagsasanay kasama ang Chinese Navy sa Sulu Sea

2017-05-02 09:47:01 CRI CRI

Pangulong Duterte, bukas siya sa pagsasanay kasama ang Chinese Navy sa Sulu Sea

SINABI ni Pangulong Rodrigo Duterte na bukas siya sa posibilidad na makipagsanay ang Philippine Navy sa Chinese Navy hindi lamang sa South China Sea kungdi maging sa Sulu Sea.

Ito ang kanyang binanggit matapos ang kanyang pagdalaw sa flagship destroyer na Chang Chun na dumadalaw, kasama ng dalawa pang barko ng Chinese Navy, sa Davao City mula ika-30 ng Abril hanggang ngayong araw.

Unang narinig kay Pangulong Duterte ang posibilidad na ito noong Oktubre ng 2016 na bukas siya sa pakikipagsanay sa mga magdaragat na Ruso at Tsino. Narinig din noon ang kanyang pahayag na nais niyang wakasan na ang war games sa mga Amerikano.

Pangulong Duterte, bukas siya sa pagsasanay kasama ang Chinese Navy sa Sulu Sea

Natuwa si Pangulong Duterte sa kanyang pagdalaw sa barkong Chang Chun na maihahambing umano sa isang hotel sa linis at pagkakaroon ng carpet.

Pangulong Duterte, bukas siya sa pagsasanay kasama ang Chinese Navy sa Sulu Sea

Ang pagdalaw ng mga magdaragat ng People's Liberation Army ay bahagi ng confidence-building at pakikipagmabutihang-loob sa mga panauhin. Ang kanyang pagdalaw sa barkong Tsino ay pagpapakita lamang ng pakikipagkaibigan sa mga panauhin. Siya umano ang humiling na dumalaw ang mga Tsino at ipakita ang kanilang mga sasakyang-dagat.

Tumanggi siyang nag-aalok ng mga kagamitan para sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas ang mga dumadalaw na magdaragat mula sa Tsina.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino