Malacañang nagsabing maayos ang konsultasyong gagawin ng America hinggil sa North Korea

2017-05-02 09:52:40 CRI CRI

ISANG magandang hakbang ang ginagawa ng America na konsultasyon sa mga kaalyadong bansa hinggil sa problemang dulot ng North Korea na my naka-ambang pananalakay sa pamamagitan ng armas na nukleyar.

Sa isang pahayag, sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na isa sa pinag-usapan nina Pangulong Duterte at Pangulong Trump ay ang kalagayan ng Korean Peninsula.

Magugunitang nanawagan ang Pilipinas na mapawi ang mga sandatang nukleyar sa Korean peninsula at ang pagbabalik sa pag-uusap.

Binanggit na ng White House na inanyayahan ni Pangulong Trump si Pangulong Duterte na dumalaw sa Washington, D. C. Wala pang sagot ang Malacanang bagama't sinabi ng Department of Foreign Affairs na magaganap ito sa susunod na ilang buwan.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino