Pangulong Duterte, Pangalawang Pangulong Robredo, nagkakaisa sa proteksyon ng mga manggagawa

2017-05-02 09:53:34 CRI CRI

NANGAKONG bibigyang-halaga ang karapatan at kalagayan ng mga manggagawa nina Pangulong Duterte at Pangalawang Pangulong Leni Robredo ngayong ipinagdiriwang ang Araw ng Paggawa sa Pilipinas.

Sa hiwalay ng pahayag, iisa ang naging tema ng dalawa sa pagpaparangal at pagpupugay sa mga manggagawa, lalo na sa kanilang ambag sa kaunlaran ng ekonomiya ng bansa.

Mahalaga ang papel ng mga manggagawa para sa makataong kalagayan sa pinagllingkuran, makataong sahod at pagkakaroon ng collective bargaining agreements at pagbuo ng mga unyon. Ani G. Duterte, binibigyang halaga at pagkilala ang mga karapatang ito ng mga manggagawa ng kanyang pamahalaan. Nangako rin siyang gagawa ng libu-libong trabaho para sa mga mamamayan.

Sa panig ni Vice President Robredo, sinabi niyang sa pagtitiyaga at pagpupunyagi ng mga manggagawa, umusad at umunlad ang bansa. Bukod sa pagpupugay, kailangang mabigyang pansin ang mga karapatan at kalagayan ng mga manggagawa, dagdag pa ni Gng. Robredo.

Marapat lamang balikan ng pamahalaan ang mga repormang ipinatutupad upang mapalakas ang mga karapatan ng mga manggagawa. Kailangang matapos na ang end-of-contract practice na ginagawa ng mga kumpanya, dagdag pa ni Gng. Robrero.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino