Pagdalaw ni Pangulong Duterte sa America wala pang takdang petsa

2017-05-02 09:51:59 CRI CRI

WALA pang takdang petsa ang pagdalaw ni Pangulong Duterte sa Washington sa paanyaya ni Pangulong Donald Trump. Sa kanyang pagharap sa mga mamamahayag sa Davao City, lumabas na bibigyan niyang prayoridad ang kanyang pagdalaw sa Tsina, Russia at Israel sa madaling hinaharap.

Wala pa siyang kumpirmasyon sa paanyaya ni Pangulong Trump. Ito umano ang unang pagkakataong binanggit ng pangulo ang kanyang balak na pagdalaw sa Israel.

Nabanggit na niyang dadalaw siya sa Russia ngayong Mayo sa paanyaya ni Pangulong Vladimir Putin sa kanilang bilateral meeting sa APEC Economic Leaders' Meeting sa Peru noong Nobyembre.

Inanyayahan ni Pangulong Trump si Pangulong Duterte sa White House upang pag-usapan ang problemang dulot ng North Korea sa pamamagitan ng tawag sa telepono noong Sabado ng gabi sa pagtatapos ng ASEAN 2017 Summit.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino