May kalayaan ang mamamahayag sa likod ng mga panganib na kinakaharap

2017-05-02 09:54:32 CRI CRI

BINIBIGYAN ng halaga ng Duterte Administration ang propesyon ng mga mamamahayag lalo pa't mayroong mga napaslang sa mga nakalipas na taon. Ito ang sinabi ni Undersecretary Joel Sy Egco sa idinaos na "Tapatan sa Aristocrat" kaninang umaga.

Madaling tumutugon ang Presidential Task Force on Media Security sa mga impormasyong naghahatid sa mga mamamahayag sa panganib. Noong mga nakalipas na panahon, dumadalo ang pamahalaan matapos mapaslang ang mga mamamahayag. Unang itinatag ang Task Force Usig noong mga nakalipas na panahon na siyang nagsisiyasat sa mga kaguluhan at krimeng nagaganap laban sa mga alagad ng media.

Sinabi naman ni Ariel Sebellino, executive director ng Philippine Press Institute na kailangang suriin ang mga pagpatay sa mga mamamahayag mula pa noong 1986. Nangangamba si G. Sebellino sa mga nakakatakot na pangyayari sa mga press conference sapagkat nagkakaroon ng intimidation sa mga murang nagmumula kay Pangulong Duterte.

Nangangamba si G. Sebellino sa mga pahayag ng pangulo hinggil sa Philippine Daily Inquirer at ABS-CBN.

May mga reporter na hindi na nagtatanong kay Pangulong Duterte dahil sa pangambang mamura o kagalitan sa mga press conference. Ito naman ang pahayag ni Jason Gutierrez, dating pangulo ng Foreign Correspondents Association of the Philippines. Dati siyang nakatalaga sa Afghanistan.

Sa panig ni Raymund Villanueva, board member ng National Union of Journalists of the Philippines, hindi nabibigyan ng coverage ang mga sigalot na nagaganap sa loob ng mga malalaking pahayagan at television networks. Nananahimik ang mga malalaking network dahil halos pare-pareho ang problema tulad ng kontraktualisasyon.

Kailangan ding magkaroon ng debriefing para sa reporter na nag-uulat ng mga extra-judicial killings sa buong bansa. Maraming mga kabataan na nalantad sa mga patayan ay umaalis na sa propesyon.

Ikinalungkot ni Professor Danilo Arao ang katayuan ng Pilipinas sa pinakamapanganib ng bansa para sa mga mamamahayag ayon sa impunity index. Unang tatlo ang Iraq, Syria at Somalia. Hindi nakagugulat ang mga napapaslang na mamamahayag sa mga bansang nabanggit sapagkat mayroong civil war. Sa Pilipinas, nakalulungkot na makasama sa mga napapaslang nang hindi nalulutas.

Nararapat lamang na suriin ng madla kung sino ang may-ari ng mga radio at television networks sapagkat mababawasan ang kalayaan ng pamamahayag.

Problema rin ng mga mamamahayag ang pag-uutos ng mga may-ari ng pahayagan o radio at telebisyon sa pagbebenta ng espasyo sa pahayagan o oras sa radio at telebisyon. Iba ang marketing sa editorial, dagdag pa ni Prof. Arao.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino