Paghirang kay Secretary Gina Lopez, tinanggihan ng Commission on Appointments

2017-05-04 17:49:00

 

TINANGGIHAN ng Commission on Appointments ang paghirang kay Secretary-Designate Regina “Gina” Lopez bilang Secretary of Environment and Natural Resources.


Pangalawang tinanggihan ng Commission on Appointments ang nominasyon ni Bb. Lopez.  Unang ibinasura ang appointment ni Foreign Affairs Secretary-Designate Perfecto R. Yasay, Jr.


Humarap si Bb. Lopez ng tatlong ulit sa Commission on Appointments na nauwi sa kanyang pagpapaliwanag sa pagpapasara ang 23 mga minahan at suspendihin ang limang iba pa noong Pebrero.  Pinagdudahan ang kanyang kakayahang pamunuan ang Department of Environment and Natural Resources.


Sa isang press conference matapos ang pagbasura sa kanyang appointment, sinabi ni Bb. Lopez na ang mga kumontra sa paghirang sa kanya ay naimpluwensiyahan ng malalaking negosyo.


Nawalan na umano ng pag-asa ang mahihirap, sabi ni Bb. Lopez na nagmula sa malaki at mayamang pamilya ng mga haciendero sa Kabisayaan.  Pamilya rin niya ang may-ari ng ABS-CBN Rario Television Network.


Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino