Human rights record ng Pilipinas, susuriin

2017-05-04 17:49:49

 

ISASAILALIM sa pagsusuri ng UN Human Rights Council - Universal Periodic Review working group sa ikatlong pagkakataon sa Lunes ang human rights record ng Pilipinas, ikawalo ng Mayo sa isang pulong na mapapanood sa internet.


Ang Pilipinas ang isa sa 14 na bansang susuriin ng UPR Working Group sa sesyong nagmula noong unang araw ng Mayo na magwawakas sa darating na Biyernes, ika-12 ng Mayo.  Ito rin ang pagsisimula ng ikatlong UPR cycle.  Nagana pang pagsusuri noong Abril 2008 at Mayo ng 2012.


Ang mga dokumentong susuriin ay ang national report na mula sa pamahalaan, impormasyon na mula sa independent human rights experts at groups na kilala sa pangalang Special Procedures, human rights treaty bodies, at iba pang tanggapan ng united Nations at impormasyonb mula sa iba pang stakeholders na kinabibilangan ng pambansang human rights institutions, regional organizations at civil society groups.


Kabilang sa mga isyu ang anti-drug campaign ng pamahalaan, ang pagtugon sa Extra Judicial Killings at paghimok na gawin ang pagpatay, ang pagkalat ng private armies at vigilante groups, pagsugpo sa torture, paglaban sa impunity at corruption at iba pang mahahalagang isyu.


Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino