Senador Pacquiao, pinayuhan ang hahalili kay Secretary Lopez

2017-05-04 17:51:24

 

KAILANGANG maghintay ng kumpirmasyon ng sinumang mahihirang na kapalit bilang Secretary of Environment and Natural Resouces bago kumilos at gumawa ng mga programang inaakalang makabubuti sa tanggapan.


Sa isang panayam, sinabi ni Senador Pacquiao na makabubuting maghintay muna ng pagsang-ayon ng Commission on Appointments bago magpatupad ng iba't ibang programa.  Si Senador Manuel Pacquiao ang chairman ng CA Committee on Labor, Employment at Social Welfare na namuno sa confirmation hearings ni Bb. Regina Lopez.


Tinanggihan ng Commission on Appointments ang nominasyon ni Bb. Lopez sa botong 16 laban sa 8.  Isinulong daw niya ang kumpirmasyon ni Bb. Lopez at kinausap ng isa-isa ang mga kasapi subalit hindi mapipilit sapagkat lihim ang ginawang botohan ng komisyon.


Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino