Senador Trillanes humiling ng imbestigasyon sa mga sinabi ng isang negosyante

2017-05-04 17:56:40

 

HINILING ni Senador Antonio Trillanes IV sa pamamagitan ng isang resolusyon na magkaroon ng pagdinig ang Blue Ribbon committee na alamin ang mga sinabi ng may pasugalang si Charlie “Atong” Ang laban kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre at National Security Adviser Hermogenes Esperon, Jr.


Napapaloob sa Senate Resolution 354, nais ni Senador Trillanes na matiyak na maayos ang paggamit ng poder ng mga tanggapan ng iba't ibang kagawaran.  Nararapat umanong mapigil ang dalawa sa paggamit ng kanilang poder upang isulong ang kanilang personal na interes.  Ayon kay Ang, nagbalak sina G. Aguirre at Esperon na ipapatay siya dahil sa patuloy na operasyon ng Meridien Vista Gaming Corporation na pinaglilingkuran niya bilang consultant at general manager.


Sinabi ni Ang na ang Philippine Charity Sweepstakes Office ang nasa likod ng pagpapatigil ng operasyon ng Meridien dahil sa kontra sa small-town lottery.  Kapatid umano ni G. Aguirre na nagngangalang Ogie ang may control sa STL mula sa Batangas hanggang Bicol.


Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino