Janitor na naging legal researcher, pumasa sa pagsusulit ng Korte Suprema

2017-05-04 17:57:48

 

ISANG 35 taong gulang na may-asawa at dalawang anak na naglingkod bilang janitor na naging legal researcher sa Commission on Elections ang nakapasa sa pinakahuling pagsusulit ng Korte Suprema sa mga nagnanais maging abogado.


Ayon kay Ramil Comendador, napakaswerte niya at 'di niya malaman kung paano magpapasalamat sa Diyos at mga taong nagbigay ng lakas ng loob sa kanya.  Nakatala ang kanyang pangalan bilang ika-914 at sana raw ay wala siyang kapangalan.


Nakapagtapos ng high school nang magsimulang magtrabaho, nag-asawa at nagkaroon ng dalawang supling, isang walo at isang apat na taong gulang.


Ninais niyang mag-aral upang makapantay ng kanyang maybahay na isang engineer.  Nagsimula siyang magtrabaho sa Comelec noong 2010 at kumuha ng eligibility examination at natanggap na legal researcher.  Taong 2011 ng pumasok siya sa College of Law at ginugol niya ang kanyang sahod sa pag-aaral.  Ang gastos sa bahay ay sinagot na ng kanyang maybahay.


Kailangan lamang ng tiyaga ang paniniwala sa sarili upang makamtan ang pangarap, dagdag pa ni Atty. Comendador.



Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino