Bilateral negotiations, makabubuti sa relasyon ng Tsina at Pilipinas

2017-05-05 19:05:20

MAS mabisa ang pag-uusap sa pagitan ng Tsina at Pilipinas hinggil sa mga isyung bumabalot sa South China Sea.

Ito ang sinabi nina Dr. Chen Hanxi at Professor Zhou Fangyin na nagmula sa Guandong Institute for International Strategies sa isang roundtable discussion sa Teehankee Center sa Ateneo Rockwell Campus.

Sinabi ni Dr. Chen, Deputy Secretary-General at Director ng Center for European Studies na kailanman ay 'di ginamit ng Tsina ang laki nito sa pakikipag-usap sa maliliit na bansa. Hindi komplikado ang pakikipag-ugnayan ng mga Tsino kung hangganan ang pinag-uusapan. Nakita ito sa pakikipag-usap ng Tsina sa Vietnam noong tinalakay ang hangganan sa Gulf of Tongkin.

Sinabi naman ni Professor Zhou, Director ng Center for China's Regional Strategies at Editor ng Journal of Strategy and Decision-Making ng Guandong Institute for International Strategies na mas maganda ang direktang pag-uusap sapagkat nakikita ang “magnanimity” ng Tsina sa relasyon nito sa mga kalapit-bansa.

Maaari lamang magbago ang tingin ng Tsina sa isyu ng karagatan kung magiging kabaha-bahala ang ikikilos ng kalapit-bansa sapagkat hindi pahihintulutan ng Tsina na manganib ang kanilang nasasakupan at mga mamamayan.

Kasama sa roundtable discussion ang isang retiradong undersecretary ng Department of National Defense, isang dating Philippine Ambassador, isang tanyag na political scientist, isang opisyal ng National Defense College of the Philippines, Foreign Service Institute at ang tagapagbalitang ito.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino