Krisis noong 1997 hindi na magaganap ngayong mas malakas ang rehiyon

2017-05-05 19:26:55

ANG mga pagtatangka ng iba't ibang bansa'ng magpatibay ang mga korporasyon at magkaroon ng mekanismo upang matiyak ang financial stability sa mga nakalipas na taon ang naging dahilan upang maiwasan ang 1997 East Asian financial crisis.

Ito ang sinabi ni Finance Secretary Carlos Dominguez III sa isang pahayag. Si G. Dominguez ang pinuno ng economic team ni Pangulong Duterte. Sinabi niyang malayo nang maganap ang nangyari noon dahilan sa pagtutulungan ng mga bansa sa Asia.

Hindi naman ito nangangahulugan na ang regulatory authorities ang magpapabaya sa kanilang gawain. Ito ang buod ng kanyang talumpati sa taunang pulong ng mga gobernador ng Asian Development Bank sa Yokohama, Japan.

Idinagdag niyang nakita sa krisis na ang maluwag na regulasyon at mahihinang alituntunin ang naging dahilan ng paglala ng krisis.

Samantalang ang malalaking ekonomiya ay nagpapanatili ng matatag na foreign exchange rates noong nakalipas na ilang dekada, halos lahat ng bansa sa Asia ang mayroong flexible exchange rate ngayon at hinahayaan ang pamilihan na maghanap ng tunay na halaga ng pananalapi.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino