Pakikidigma sa droga, walang bisa, higit na nagpapalala

2017-05-05 19:29:07

SINABI ni Agnes Callamard, ang United Nations Special Rapporteur on Extrajudicial, Summary, or Arbitrary Executions, na ang pakikidigma sa droga tulad ng ginawa ng Duterte Administration ang higit na nagpapalala sa situwasyon sa halip na malutas ito.

Ayon sa April 2016 general assembly ng mga pamahalaan, kinilala na ang paglaban sa droga, kahit sa komunidad, pambansa o pandaigdig, ay hindi nagtatagumpay. Ito ang kanyang sinabi sa isang policy forum na itinaguyod ng Free Legal Assistance Group sa University of the Philippines-Diliman.

Walang nagtatagumpay sapagkat mali ang pamamalakad, dagdag pa ni Callamard. Mayroon pa umanong ibang paraan ng paglutas sa problemang dulot ng droga. Binanggit niya na ang war on drugs ay naipatutupad sa paraan ng pagpatay, extra-judicial killings o ng mga sindikatong kriminal at kawalan ng paggalang sa batas, pagpatay na gawa ng mga vigilante, torture, masamang pagtrato sa mga nadarakip, sexual violence, matagal na pre-trial detention, mandatory sentencing, pagkakapiit ng walang paglilitis sa loob ng drug rehabilitation centers at mga 'di napapagkasunduang experimental treatment.

Sa ganitong mga pangyayari, napapasama ang buong justice sector kaya't lumalawak ang kaguluhan at pagkawala ng pagtitiwala ng madla sa public institutions, nagiging dahilan ng pangamba at nawawalan ng pag-asa ang mga mamamayan.

Magtatapos ang dalawang araw na pulong bukas.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino