Pagkilos laban sa Death Penalty, pinuri ni Archbishop Villegas

2017-05-05 19:32:15

IKINAGALAK ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates B. Villegas ang martsa at caravan ng mga mamamayan laban sa panukalang pagbabalik ng parusang kamatayan.

Nagsimula ito sa Cagayan de Oro City kahapon at makararating sa Senado ng Pilipinas sa Miyekoles, ika-24 ng Mayo, Kapistahan ng Mary Help of Christians. Ani Arsobispo Villegas, mahalagang mga layko ang nagsasama-sama sa pagpapahalaga sa buhay.

Daraan ang caravan at magdaraos ng pulong partikular sa Cebu, Palo sa Leyte, Legazpi sa Albay, Caceres sa Naga, Lucena sa Quezon, Lipa sa Batangas at sa Senado ng Pilipinas.

Nanawagan din si Arsobispo Villegas sa kanyang mga kapwa Obispo na makiisa at tumulong sa mga maglalakbay.

Isa umanong magandang senyal ang nagaganap na paglalakbay.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino