Hindi na sumusunod ang mga NPA sa kanilang mga pinuno

2017-05-20 14:48:20

SINABI ni Pangulong Rodrigo Duterte na inamin ng mga pinuno ng Communist Party of the Philippines na hindi na makontrol ang lahat ng mga tauhan ng New People's Army.

Ginawa ni G. Duterte ang pahayag matapos ang ikaapat na yugto ng pag-uusap sa pa-igtan ng pamahalaan at ng National Democratic Front sa pagsusulong ng pamahalaan na magkaroon ng bilateral ceasefire sa buong bansa.

Ginawa umano ang pag-amin sa pulong sa Malacanang kahapon at maaaring mag-usap subalit magpapatuloy ang mga pagpatay sa iba't ibang bahagi ng bansa. Naniniwala pa rin si G. Duterte na magtatapos ang labanan kung lalagda si Jose Maria Sison sa isang bilateral ceasefire. Kung sakaling lumagda sina G. Sison at Pangulong Duterte ng tigil-putukan, magtatapos ang labanan. Hindi naman umano niya hinihiling na isuko ang mga sandata.

Kailangan lamang nilang itago at lumabas at mamuhay ng maayos.

Kalendaryo

Balita:
Tsina ASEAN Daigdig Litrato
Ugnayang Pinoy:
Beijing Shanghai Guangzhou Tianjin Shenyang Shijiazhuang Tips Community Billboard
Tsina sa Aming Mata:
Sine Tsino Pop China Gabi ng Musika Cooking Show Tsina mula sa Likod ng Aking Kamera MaArte Ako
Usap-usapan Ngayon sa Tsina Pag-usapan Natin
Pag-aaral ng Wikang Tsino:
Pag-aaral ng Wikang Tsino